CHOP-CHOP NA KATAWAN NG TAO NADISKUBRE SA CAVITE

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite Police sa magkasunod na pagkakadiskubre ng mga putol na bahagi ng katawan ng tao sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon.

Unang nadiskubre ang isang putol na kanang paa ng isang tao dakong ala-1:50 noong Lunes ng hapon sa Bacao River sa Brgy. Bacao 1, Gen. Trias City, na natagpuan ng mga batang naliligo sa ulan.

Sumunod ang pagkakadiskubre ng isa pang putol na katawan (torso) ng tao dakong alas-5:00 noong Martes ng hapon sa isang madamong lugar sa Open Canal sa Brgy. Pasong Camachile 2, Gen. Trias City.

Ayon sa pulisya, patuloy ang ginagawa nilang imbestigasyon kung may kaugnayan ang unang nadiskubreng putol na kanang paa sa putol na katawan at tinitingnan din nila ang posibilidad na inanod ang nasabing mga putol na bahagi ng katawan dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng bagyo.

Nananawagan ang awtoridad sa publiko na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan kung may mga kamag-anak silang nawawala. (SIGFRED ADSUARA)

334

Related posts

Leave a Comment