NOONG February 19 isang Chinese national na si Qui Jibiao, 34 taong gulang ang lumapag sa NAIA Terminal 1 sakay ng MF 819 Xiamen Airlines na may passport no. EG9129404 galing Xiamen China ang hinarang ng mga tauhan ng Port Operations Division ng Bureau of Immigration.
Ayon sa Exclusion Order POD: T1-21-02-022 si Qui Jibiao ay dumating bitbit ang isang Endorsement Letter mula sa Department of Foreign Affairs na may Endorsement din umano ni Congressman Carmelo Lazatin at pirmado ng isang DFA Usec. Brigido Dulay ngunit ayun sa verification ng BI napag alaman na ang endorsement ay fake.
Mula February 19 hanggang March 5 ay nanatili ang kawawang Chinese national sa loob ng airport na isang biktima muli ng isang sindikato.
Bakit kaya tumagal ng 14 days ito sa airport? TCEU ano masasabi nyo dito hugas kamay na naman kayo? TCEU chief Timmy Barizo! Mayroon ba kayong inaantay na maipa recall ang exclusion order kahit na ito ay fake kung kaya’t nagtagal pa ng dalawang linggo ang tsekwa sa loob ng airport?
Kagaya na lamang nang nangyari kamakailan sa 7 Chinese nationals na nagtagal nang ilang araw sa NAIA matapos silang ma-exclude at nakapasok din sa bansa matapos ipa recall ng Huayi Group Inc ang exclusion order at nagbayad ang mga dayuhan ng P2.4-M.
Sa ating isinagawang imbestigasyon ay lumalabas na isang Cloud Travel Consultancy Corp na may tanggapan sa BF Condominium sa Intramuros Manila na halos kapitbahay lamang ng main office ng BI.
Ang agency ay pagmamay ari umano ng mag asawang Sharon at Peter Paul Lai na siyang responsable na nagtangkang palusotin ang Chinese national gamit ang isang fake na dokumento galing DFA.
Napag alaman pa natin na noong January 2020 ay binawi ng BI ang accreditation ng Cloud Travel Agency dahil ito umano ay nahulihan noon ng fake na dokumento ng mga Chinese nationals na papasok sa bansa gamit naman ang visa upon arrival (VUA).
Binawi na pala noon ang kanilang accreditation na makapag process ng papers sa BI pero bakit ito naibalik? Sino sa main office ng BI ang padrino nina Sharon at Peter Paul Lai? Ang tanung ay magCano?
Alam kaya ito ni Commissioner Jaime Morente?
TCEU officials!! Tigas ng mukha ninyo. Bakit hindi ninyo kinasuhan at inimbestigahan? Sarap lang sa tenga pakinggan ang Enforcement Unit pero wala kayong ginagawa.
DOJ secretary Menardo Guevara Sir! Hahayaan ninyo na lang ba ito at Office of the Ombudsman wag kayo nagbubutas ng upuan.
Imbestigahan ninyo ito kung sino mga Padrino ng Cloud sa BI at ipa cancel ang lahat ng kanilang accreditation upang hindi na makapang biktima muli ng mga dayuhan.
May kaugnayan din kaya itong Cloud Travel Consultancy Corp sa Legal Division ng BI na kung saan ay mayroong hinuli ang mga NBI nung nakaraan?
Abangan sa susunod ang karugtong na pambibisto natin sa Cloud Travel at sa mga kasabwat nito sa BI.
Para sa inyong Sumbong at Reaksyon maari ninyo akong itext sa 09158888410.
