COAST GUARD STATION SA PAG-ASA ISLAND WASAK KAY ‘ODETTE’

WINASAK ng Bagyong Odette ang himpilan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Pag-asa Island, ayon sa tagapagsalita nila na si Commodore Armand Balilo.

Sa kabila nito, sinabi ni Balilo na nakatutok pa rin sila sa disaster and relief operations sa Palawan na matinding sinalanta rin ng bagyo.

“Now, we’re looking at Palawan. Kailangan talaga. In fact, pati ‘yung Coast Guard Station (CGS) namin sa Pag-Asa Island sa Kalayaan, reported na talagang washed out. Katatayo lang nu’ng CGS sa Kalayaan. Walang natira eh,” ayon kay Balilo.

Tututok ang operasyon ng PCG sa Pag-Asa Island, Puerto Princesa, at Southern Palawan.

“Kung ‘yung Coast Guard Station sa Kalayaan sa Pag-Asa ay nasira, how much more ‘yung ibang mga stations din doon? May mga bahay din doon, mga eskuwelahan,” dagdag ni Balilo.

Bukod sa Pag-asa Island, may mga istasyon din ang PCG sa Puerto Princesa, El Nido, at Coron. Kailangan umano na muling itayo ang mga ito dahil sa simbolo ang mga ito ng soberanya ng Pilipinas.

Wala pang ulat na natanggap ang PCG hinggil sa lagay ng BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea. (RENE CRISOSTOMO)

129

Related posts

Leave a Comment