MARIING tiniyak ng Quezon City government na tutulungan ang mga mag-aaral, magulang, guro at empleyado ng Colegio de San Lorenzo matapos ipahayag ng paaralan ang permanenteng pagsasara nito noong Lunes, Agosto 15.
Binanggit ng pamunuan ng paaralan ang kawalang-katatagan ng pananalapi at kawalan ng kakayahan nito sa pinansyal dulot ng patuloy na pandemya at pinalala ng pare-parehong mababang turnout ng nagpapatala (enrollment) bilang dahilan ng pagsasara.
Kaugnay nito, inatasan ni Mayor Joy Belmonte ang City Legal Department na pinamumunuan ni City Attorney Orlando Paolo Casimiro, na mabilis na tingnan kung paano matutulungan ng pamahalaang lungsod ang mga apektado at tiyakin din na tutuparin ng paaralan ang responsibilidad sa lahat ng mga abala na dinaranas ng mga stakeholder nito.
“We will extend all possible assistance to the students and parents, especially since the school year has started. We shall help in coordinating with other schools, colleges, and universities where affected students can transfer with their credentials credited. We need to ensure that no student will encounter any delay in their studies, especially the graduating or senior ones, and that their refund will be given quickly. The teaching and administrative personnel should also be taken cared of,” ayon kay Mayor Belmonte.
Samantala, sinabi ni Atty. Casimiro na nakipagpulong siya noong Martes ng umaga sa mga kinatawan ng Colegio de San Lorenzo na lubos na nakatupad sa mga pangangailangan ng mga estudyante at guro nito.
“The officials of Colegio de San Lorenzo have expressed their full cooperation in refunding tuition and other expenses such as books and uniforms; endorsing students to other schools and universities; and releasing the salaries and incentives of its teaching and non-teaching staff,” ani Atty. Casimiro.
Kaugnay nito, sinabi ni Belmonte na ilang paaralan ang nagpahayag ng kanilang pagpayag na tanggapin ang mga mag-aaral. Bukas din ang Quezon City University sa pagtanggap ng mga interesadong mag-aaral sa tatlong sangay nito, lalo na ang graduating students.
“The QCU will welcome the college students of CDSL and we will help in crediting their classes and helping them have a smooth transition to our university,” ayon kay QCU President Dr. Theresita Atienza.
Samantala, ang mga guro at non-teaching personnel ay ieendorso sa QC – Public Employment Service Office para sa posibleng tulong pinansyal o prospective na trabaho.
Ibinahagi ng mga kinatawan ng Colegio de San Lorenzo na kasalukuyan nilang inilalabas ang mga transcript ng mga mag-aaral at mga dokumento para sa paglipat. Ang mga mag-aaral na may mga hindi pa nababayarang bayarin ay hindi na kailangang magbayad ng nasabing mga delingkuwensya. (PAOLO SANTOS)
217
