CONG. TEVES, INOSENTE SA PAGKA-MATAY NI DEGAMO

Muling iginiit ni Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo “Arnie” Teves na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Governor Roel Degamo sa panayam sa kanya ng mga taga-media.

Sa pagtatanong sa kanya (Teves), na kung may kinalaman siya sa pagpatay kay Gov. Degamo diretsahan nitong sinagot na wala. “Ganito kasi yan, pag may krimen, Ano yung motibo?

Ano namang mapapala ko sa kanya? Di ba wala, wala akong…hindi na makakaupo kapatid ko, is nothing for us”, pahayag pa ni Teves.

Ang alegasyon ng Senado, pagharang ng gobernador sa e-Sabong operation niya (Teves) ang mitsa umano ng pagpatay kay Degamo.

Sinabi pa niya, na yung e-Sabong ay isa siya sa naka-develop, pero hindi ibig sabihin nung tinesting namin yan, dati na gambling yun at sa totoo lang, wala namang batas yung e-Sabong talaga.

Sinagot din ni Teves, yung nabanggit nung NBI na pumunta daw siya dun, na kung may video siya ipakita nila o i-play. “Totoo po yan pumunta ako dun, but i were there in aid of legislation”, banggit pa ni Teves.

Ang tinutukoy na NBI ay ang humarap sa Senado na pinagbantaan umano ni Teves. “Ang dali magbentang lagyan nyo ng ebidensiya, kung mayroon siyang recording na pinagbantaan ko siya i-play niya, i went there in aid of legislation, bakit in aid of legislation kasi walang legislation ito nga kaya sila natalo sa kaso, di ba?”, dagdag pa ng mambabatas.

Sinabi pa ni Teves na hindi rin patas ang justice system ng bansa, sabay banggit ng anak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na si Juanito Remulla na sinampahan ng drug case ng PDEA, pero napawalang-sala na.

“Ang bilis-bilis napawalang-sala, wala man lang tayong nakitang mugshot news block out pa, so bigla na lang nawalang-sala, ngayon baliktad sa kin ang bilis ko nagkasala, saan yung fairness dun?”, banggit pa niya.

Sinagot din ni Teves ang akusasyon ni Remulla na siya ang nag-utos sa kanyang body guard na si Marvin Miranda para mag-recruit na siyang pumatay kay Degamo.

“Dati kong body guard yun, pero matagal nang umalis sa kin yan, kaya nga kanina tinanong ako nag-usap daw kami may video daw, sabi ko ha! kung may video ilabas nila, di ba? ang dali magturo”, dagdag pa mambabatas.

Pinalagan din ni Teves ideklara siyang terorista, anya, there is an intention for the law, ginawa yun para sa extremist group, so paano ako napasok dun? Hindi naman ako grupo tao lang ako, at isa pa wala pa akong kasalanan na may pruweba, sabay gagawin na nila akong terorista? Sa akusasyon naman ng biyuda ni Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo na si Teves din umano ang nasa likod ng serye ng mga pagpatay sa Negros Oriental na kaya kinatatakutan ang mambabatas sa lalawigan.

“Bakit ang daming nagpapa-picture sa akin pag nag-iikot ako sa mall, sa labas kahit sa golf course nag-aagawa nga yung tao na magpa-picture sa akin sabay akap sa kin, bakit ang dami kong followers sa social media kung kinatatakutan ako”, pagtatanong pa ni Teves sa mga nagaakusa sa kanya.

Ipinagtataka rin ng kampo ni Teves kung bakit hindi sinisilip ang ibang anggulo ng pamamaslang kay Degamo tulad ng illegal drugs, love triangle, negosyo, rebeldeng grupo at iba pa.(Joel O. Amongo)

 

129

Related posts

Leave a Comment