COVID-19 PROTOCOLS SA F2F CLASSES HIGPITAN

HABANG pinapurihan ni Senador Win Gatchalian ang pagsisimula ng pilot run ng limited face-to-face classes sa basic education, binigyang diin niya na dapat ipatupad pa rin nang mahigpit ang health protocols upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 sa mga paaralan.

Tinukoy ni Gatchalian ang kahalagahan ng maayos na ventilation at sapat na pasilidad para sa water, sanitation, at hygiene (WASH). Dapat din aniyang magkaroon ng maayos na contact tracing at surveillance system ang local government units (LGUs). Higit sa lahat, dapat aniyang bakunahan lahat ng mga guro at mga mag-aaral na nasa tamang edad. Ito ay upang tumaas din ang kumpiyansa ng mga magulang at mga komunidad sa muling pagbubukas ng mga paaralan.

Matatandaang pinuna ni Gatchalian na sa ilalim ng mahigit limang bilyong (5.4) pisong inilaan ng National Expenditure Program (NEP) 2022 para sa Basic Education Facilities, mahigit tatlong daan at limampung (358) milyong piso lamang ang inilaan para sa Priority School Health Facilities. Ito ay para sa pagpapatayo, pagpapalit, at pagkukumpuni ng mga water system, handwashing facilities, toilet facilities, at iba pang health at sanitation-related facilities. (ESTONG REYES)

132

Related posts

Leave a Comment