DUTERTE KINOKONTROL NI BONG GO – PARLADE

TAHASANG inakusahan ni retired Lt. Get Antonio Parlade Jr. si Senador Bong Go na kinokontrol ang mga desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matapos maghain ng kanyang certificate of candidacy ang dating counterinsurgency task force spokesperson para sa pagtakbong presidente sa May 2022 elections, nagpaunlak ito ng panayam.

Bagaman wala aniya silang alitan ni Go, sinabi ni Parlade na hindi niya gusto ang ilang pamamaraan nito.

“Wala akong rift kay Senator Bong Go, I just don’t like the way he does things, including controlling the decisions of the president,” ani Parlade.

Sa panig ng pamunuan ng Sandatahang Lakas, tiniyak nitong mananatili silang non-partisan matapos madawit ang kanilang organisasyon sa pahayag ni Parlade hinggil kay Go.

“The AFP is and will remain non-partisan,” ani AFP Spokesman Col. Ramon Zagala.

Ayon kay Parlade maraming pagkakataon na kinokontrol ni Go ang desisyon ng Pangulo ngunit tumanggi itong idetalye ang nasabing akusasyon. “I don’t want to elaborate on that. You ask the AFP, you ask the Philippine Army,” tanging tugon ni Parlade. (JESSE KABEL)

161

Related posts

Leave a Comment