COVID-19 UPDATE

636 – nagpositibo
26 – nakarekober
38 – nasawi

INIULAT ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 636 ang kabuuang bilang ng mga pasyente na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa case bulletin na inilabas ng DOH, hanggang alas-4:00 ng hapon ng Miyerkoles, Marso 25, ay nakapagtala pa sila ng karagdagang 84 na bagong kaso ng sakit, mula sa dating 552, kaya umakyat sa 636 ang confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas.

Nadagdagan din ng tatlo ang mga namatay sa sakit na mula sa dating 35 lamang ay umakyat na ngayon sa 38.

Kabilang sa binawian ng buhay sina PH319, na isang 56 year old male na mula sa Quezon City; PH326 na 57 year old male mula sa Caloocan City at PH29 na 82 year old female na mula sa Marikina City at may travel history sa Amerika.

Nadagdagan din ng anim ang mga pasyenteng nakarekober sa sakit kaya mula sa 20 nitong Martes ay naging 26 na ito ngayon. D. ANINA

319

Related posts

Leave a Comment