MULING nakapagtala ng walo kataong namatay sa COVID-19 ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon at Navotas noong Abril 25.
Ayon sa ulat, apat ang patay sa Caloocan City at 1,737 ang active cases. Pumalo na sa 25, 076 ang total confirmed cases sa lungsod, kung saan 22,622 na ang gumaling at 717 na ang namatay.
Umakyat naman sa 389 ang COVID death toll sa Malabon City makaraang dalawang pasyente ang namatay.
Bukod dito ay 36 ang nadagdag na confirmed cases at 11,833 na ang positive cases sa Malabon City, 631 dito ang active cases. Habang 48 ang gumaling at sa kabuuan ay 10,849 na ang recovered patients.
Dalawa rin ang namatay sa lungsod ng Navotas at 786 ang active cases matapos na 53 ang gumaling at 41 ang nagpositibo.
Sumampa na sa 10,131 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod at sa bilang na ito ay 9,027 na ang gumaling at 318 na ang namatay. (ALAIN AJERO)
243
