COVID VACCINES GUWARDIYADO NG PNP

INATASAN ng Department of Interior and Local Government ang pamunuan ng Philippine National Police na tutukan at pangalagaan ang lahat ng paparating na COVID-19 vaccines.

Ito ay bilang pagtalima na rin sa kautusan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Kaugnay nito ay inatasan din ng DILG ang PNP na makipag-ugnayan sa mga LGU para matiyak ang kaligtasan ng mga bakuna at makararating ito sa tamang recipients lalo na sa malalayong lugar.

Ayon kay DILG Officer-in-Charge (OIC) and Undersecretary Bernardo C. Florece, Jr., halos kasing halaga ng ginto ang mga paparating na bakuna at kailangan maprotektahan ito at maihatid ng PNP.

Sa Lunes, February 15, target ng gobyerno na masimulan ang COVID-19 vaccination sa hanay ng frontline healthcare workers sa inaasahang pagdating ng 117,000 doses ng initial batch mula Pfizer-BioNTech. (JESSE KABEL)

114

Related posts

Leave a Comment