CPP-NPA COVID-19 superspreader din 1 SA 4 NAPATAY; 1 SA 9 NAHULI, POSITIBO

APAT na kasapi ng CPP-New People’s Army ang napatay habang siyam pang miyembro nito ang nadakip sa operasyon ng Philippine Army 4th Infantry Division sa Brgy. Mabuhay, San Fernando, Bukidnon.

Ayon kay Maj. Gen. Romeo Brawner Jr., commander ng PA, 4th Infantry Division, kinailangang ipalibing agad ang mga napatay na CPP-NPA members matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga ito.

Habang isa naman sa siyam na nadakip ang kinakailangang mabigyan ng medical attention dahil positibo rin ito sa nakamamatay na coronavirus, at may isang babaeng kadre naman ang nilalapatan ng lunas dahil sa tama ng bala sanhi ng engkwentro.

Nabatid na noong Miyerkoles ng umaga, nagresponde ang mga elemento ng 88th Infantry Battalion dahil sa sumbong ng mga residente hinggil sa presensya ng malaking grupo ng mga armado na nangingikil at nagre-recruit ng mga bagong kasapi sa nabanggit na lugar.

Agad nagkaroon ng engkwentro sa magubat na bahagi ng Brgy. Mabuhay na nagresulta sa pagkamatay ng apat na communist NPA terrorists at nadakip ang siyam pang mga rebelde kabilang ang tatlong

menor de edad na ang pinakabata ay 12-anyos lamang, at narekober ang 16 high-powered firearms.

Ayon sa 403rd Infantry Brigade, bunsod ng nasabing sagupaan laban sa

20 NPA na pinamumunuan ng isang alyas “Migz,” front secretary,

Guerilla Front Malayag ng Sub-Regional Committee 2 (SRC2) ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC), ay malaking bilang ang nawala sa puwersa ng mga kalaban. (JESSE KABEL)

133

Related posts

Leave a Comment