CPP-NPA MEMBER, PATAY SA ENGKWENTRO

“THESE outlaws did not heed my warning. They get what they asked.” Ito ang pahayag ni PNP-PRO 5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo nang mapatay ng kanyang mga tauhan ang isang kasapi ng Communist Terrorist Group/CPP-NPA-NDFP matapos ang armadong sagupaan sa Tiwi, Albay.

Ayon kay Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo, pasado alas-12:00 ng madaling araw noong Biyernes nang masabat ng mga operatiba ng 502nd Regional Mobile Force Battalion, na pinamumunuan ni P/Lt. Danilo Capili, ang armadong kalalakihan sa boundary ng Brgy. Joroan, sa bayan ng Tiwi, sa Albay.

Sa isinumiteng ulat ni P/Col. Lawrence Gumeyac, commander ng PNP- RMFB5, nasa gitna sila ng intelligence driven ISO/COMBAT operation sa hangganan ng Brgy. Joroan, nang paputukan sila ng mga aramdong CNT/CNN.

Matapos ang ilang minutong bakbakan, narekober sa clearing operation ang bangkay ng NPA na kinilalang si Pedro Cuerdo at isang caliber .45 pistol.

Wala namang nasugatan sa hanay ng mga tauhan ni Col. Gumeyac habang patuloy ang pagtugis sa mga kasamahan ng napaslang na agad tumakas matapos na abandonahin ang kanilang kasamahan.

Ayon sa record ng PNP, ang napatay na miyembro ng CTG’S/CNN ay kabilang sa Kilusang Partido 3 na kumikilos sa bulubunduking bahagi ng Bicol Region. Hinihinalang nagsasagawa ng surveillance operation ang grupo ng NPA na maaaring naglalatag ng kanilang opensibang gerilya laban sa mga soft target na PNP stations at Phil. Army detachments.

“Gen. Estomo, known for being a brilliant tactician, coerced intelligence reports with his battle plans and promulgated this operation,” ani Col. Gumeyac. (JESSE KABEL)

103

Related posts

Leave a Comment