RIZAL – Nadakip ang isang miyembro ng Randy Domingo crime group at apat na mga kasama nito sa ikinasang buy-bust operation ng Provincial Intelligence Unit sa bayan ng San Mateo sa lalawigang ito.
Ayon sa ulat ni P/Maj. Joel Custodio, hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU), kinilala ang mga nadakip na sina Reden delas Armas y Ocampo, umano’y miyembro ng Randy Domingo crime group; Catherine Niegas y Perez, Benjie Poliquit y Paule, Armin Diaz y Aban, at Bernie Doria y Pasigna.
Dakong alas-2:00 ng madaling araw nang madakip ang mga suspek sa drug operation ng mga awtoridad sa #13 Lambak St., Brgy. Guitnang Bayan II sa nabanggit na bayan.
Lumilitaw na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na ang mga suspek ay sangkot sa gun for hire at gunrunning sa lugar.
Dahil dito, agad nakipag-ugnayan sa PDEA ang Rizal PIU na nagresulta sa pagkakahuli sa mga suspek.
Nakumpiska sa mga ito ang 15 astic sachet ng shabu na may bigat na 50 grams at nagkakahalaga ng P340,000, at shabu paraphernalia. (ENOCK ECHAGUE)
178 