CURFEW HOURS SA NCR MAS PINAIKLI

BABAWASAN pa ang oras ng ipinatutupad na curfew sa Metro Manila.

Ayon kay Metro Manila Council (MMC) Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, napagkasunduan ng Metro mayors na pairalin mula ngayong araw ang 12-midnight hanggang 4:00 AM na unified curfew.

Layon umano nito na mas marami pang negosyo ang magbukas ngayong patuloy ang pagbaba ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR).
Kahapon nagtapos ang 10 P.M. hanggang 4 A.M. na curfew sa Metro Manila. (CHRISTIAN DALE)

200

Related posts

Leave a Comment