CURFEW SA NCR INIKLIAN

MAGIGING alas-10 na ng gabi hanggang alas-4 ng umaga ang curfew hour kasabay ng pagsisimula ng pilot implementation ng granular lockdown sa Setyembre 16.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos na ang dating alas-8 hanggang alas-4 ng umaga sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ay binago na.

Aniya, nagpulong ang Metro Manila mayors kung saan ay nagkaroon sila ng survey at napagdesisyunan na baguhin na ang curfew hours.

“Ang curfew ngayon ay alas-8 ng gabi. So, ito po ay inuusad na. Nagbotohan kami kasama ng resolusyon na ang implementasyon nito ay isasabay sa pilot.. magiging 10:00 na po ng gabi hanggang alas-4 ng umaga. Iyon din po ang inano ng mga alkalde,” ayon kay Abalos sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque.

211

Related posts

Leave a Comment