DATING OMBUDSMAN MORALES PINAHIYA O NAPAHIYA?

PRO HAC VICE

Nadismaya raw si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa pamahalaang Duterte dahil sa kawalan ng naging aksyon nito sa ginawang pagharang sa kanya ng China government na makapasok siya sa Hong Kong?

Hala??? ‘Di ba dine­demanda nina Morales sa international court ang pa­ngulo ng bansang China na si Xi Jinping tapos magtataka pa siya nang harangin siyang makapasok sa kanilang bansa?

Tingin ko naman hindi bobo si dating Omb. Morales para ‘di niya maintindihan ang nangyari sa kanya.

Bukod doon ay karapatan ng anumang bansa ang hindi papasukin sa kanilang teritoryo ang sinumang indibidwal o dayuhan na inaakala nilang hindi magi­ging maganda ang magiging presensya nito sa kanilang teritoryo.

Sigurado ako alam din ni dating Omb. Morales ang Immigration Law!

SEN. TRILLANES NILAGLAG ANG MGA PARI

‘Di kaya naisip ni Senator Antonio Trillanes IV na inilaglag niya ang mga kaparian sa kanyang privilege speech sa Senado?

‘Di ba todo-tanggi ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP na may kinalaman sila sa oust Duterte plot gaya nang naging pahayag ni Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy”.

Pero ayon kay Sen. Trillanes sa kanyang privilege speech, mga pari ang nagdala kay Bikoy sa kanya ng dalawang ulit para raw sa isisiwalat ni Bikoy na mga anomalya laban sa Duterte administration na diumano’y ‘di niya pinaniniwalaan.

Sino nga ba ang nagsa­sabi sa inyo ng totoo Senador Trillanes, ikaw? Si Bikoy? O ang CBCP?

Talaga nga bang wala kayong alam sa kumalat na video sa social media na may pamagat na “Ang totoong narco-list” kung saan sa naturang video ay idinadawit ang unang pamilya sa ilegal na droga?! (Pro Hac Vice / BERT MOZO)

149

Related posts

Leave a Comment