NAKARANAS ng magnitude 3.5 na lindol ang Davao Occidental kaninang alas-10:26 ng gabi.
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmula at may lalim na walong kilometro ang lindol.
Naramdaman ang pagyanig sa layong 276 timog-silangan ng bayan ng Sarangani, partikular sa katubigan na sakop nito.
Walang inaasahang aftershocks ang naturang pagyanig.
