PATULOY na inaalam ng Office of Civil Defense kung hanggang saan ang pinsalang idinulot ng magnitude 7.1 earthquake na yumanig sa lungsod ng Mati sa lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Executive Director at OCD Administrator Ricardo Jalad, inaalam pa ng lokal na pamahalaan ng Mati City, ang pinsalang idinulot ng magnitude 7.1 na lindol na yumanig sa lalawigan pasado ala-1:46 ng madaling araw nitong Huwebes.
Sa isinumiteng ulat ng Phivolcs, naramdaman ang pagyanig 19 kilometers northeast ng City of Mati (Davao Oriental).
Natukoy ang sentro na may lalim na 69 kilometers at tectonic in origin.
Sa reported intensities, nasa Intensity V ang General Santos City; Intensity IV – Koronadal City; Tampakan, South Cotabato; habang sa Instrumental Intensities, nasa Intensity IV – General Santos City, South Cotabato, Kiamba Sarangani; Intensity III – San Francisco, Southern Leyte, Abuyog Leyte, Kidapawan City, Cotabato, Hinunangan, Southern Leyte; Intensity II – Saint Bernard, Southern Leyte, Dulag, Leyte, Surigao City, Surigao Del Norte, Palo, Leyte, at Intensity I – Alangalang, Carigara, Leyte
Sinabi pa ng Phivolcs, asahan umano ang pinsala at aftershock matapos ang nasabing pagyanig.
Magsasagawa ng assessment ang mga awtoridad sa lugar upang makita ang pinsalang dulot ng nasabing lindol na unang ini-report na nasa magnitude 7.3.
Ayon sa datos ng United States Geological Survey, may lakas ang naganap na lindol na 7.1 magnitude. (JESSE KABEL)
177 