SUMAMPA na sa 1,189 ang kumpirmadong bilang ng mga tinamaan ng higit na mabagsik na Delta variant makaraang makapagtala ng 516 karagdagang kaso ng mutated virus strain batay sa pinakahuling ‘whole genome sequencing’ ng UP Philippine Genome Center.
Sa Bio-Surveillance Report ng UP-PGC nitong Agosto 27, sa 748 kabuuang samples na isinailalim sa sequencing, 516 ang Delta variant (68.98%), 81 ang Beta variant (10.83%), 73 ang Alpha variant (9.76%) at 41 ang P.3 variant (5.48%).
Sa kabuuang 1,789 kaso ng kumpirmadong kaso ng Delta variant, 33 na ang nasawi samantalang patulot pang nilulunasan ang 38 aktive cases.
Nasa 2,395 naman ang kabuuang kaso ng Alpha variant; 2,669 Beta variant; 429 P.3 variant; at dalawang kaso ng Gamma variant.
Sa kabuuan, nasa 12,667 na ang bilang ng naitalang kaso ng iba’t COVID-19 variants sa bansa.
“Everyone is reminded to immediately isolate upon experiencing symptoms related to COVID-19 and coordinate with BHERTs to get immediate assistance,” paalala ng DOH sa publiko sa mga nakakaranas ng sintomas. (RENE CRISOSTOMO)
