DIPLOMATIC PROTEST INIUTOS VS CHINESE WARSHIPS

(NI ROSE PULGAR)

MULING iniutos ni Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin ang pagsasampa ng diplomatic protest sa China dahil sa patuloy na pamamalagi ng kanilang  Chinese warships sa Philippine waters.

Sa isang tweet, inutusan ni Locsin ang Department of Foreign Affairs-Office of Asia and Pacific Affairs na magsampa ng diplomatic protest.

“Fire diplomatic protest over Chinese warship; drop the diplomatic crap; say it is ours period; they’re trespassing. “If we did it already fire another. We won’t run out and don’t wait for formal intel. This is the Secretary of National Defense, no less. Fire at will,” nakasaad sa tweet ni Locsin.

Magugunitang nauna nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana  na nagagalit na siya sa patuloy na pagbalewala ng China sa kautusan na bawal dumaan sa karagatan ng bansa subalit patuloy pa rin sa pagdaan ang kanilang warships nang walang anumang abiso.

“Wala naman sila ginagawang masama na umatake sa atin or whatever…nakaiinis lang dahil tubig natin at warships sila, buti sana kung civilian, pinapatay pa identification system, so nakaiinis lang,” nauna namg pahayag ni Lorenzana .

Batay sa report ni Western Mindanao Command chief Lieutenant General Cirilito Sobejana, ang Chinese warships ay naglayag sa Sibutu Strait  may tatlong beses na ngayong buwan ng Agosto.

185

Related posts

Leave a Comment