MULING nanawagan si Sen. Grace Poe na i-rationalize ang istraktura at proseso ng gobyerno para mabigyang daan ang pagbuo ng Department of Disaster Resilience.
Ginawa ni Poe ang paalala lalo na’t simula na ng pagbagyo kasabay ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal sa gitna ng pandemya.
“The situation of our vulnerable countrymen becomes more difficult in the face of calamities amid the pandemic. We must not lose time to efficiently plan and collaborate on disaster risk mitigation and management,” sabi ni Poe, na nauna nang naghain ng Senate Bill 124 na naglalayong magtatag ng Department of Disaster Resilience and Emergency Assistance and Management.
Ang nasabing departamento ay inaasahang magbibigay ng kinakailangang pamumunong may pananagutan at magtitimon sa iba’t ibang sektor patungo sa isang disaster-resilient na Pilipinas. (ESTONG REYES)
213 