DOJ: ROQUE MALABONG MABIGYAN NG ASYLUM

DUDA si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pagbibigyan ng The Netherlands ang asylum request ni Atty. Harry Roque.

“I doubt it kasi Netherlands is one of the countries that goes against human trafficking, which is the charge against Harry Roque,” wika ni Remulla sa isang ambush interview nitong Lunes.
Sinabi rin ng kalihim na ipinakansela na nila sa Department of Foreign Affairs ang pasaporte ni Roque noong Biyernes.

Ayon pa sa kanya, ito ay maglilimita sa mga opsyon ni Roque.

“I think he holds 2 to 3 passports pa nga. May nagsabi sa akin ng ganun. Ang mahalaga talagang mapilitan siyang mag-account sa kanyang mga ginawa dito and depensahan niya ang sarili niya,” ani Remulla.

“Hindi pa nga nagsisimula ang lahat tinatakasan niya na. Sa batas natin, flight is an indication of guilt. Kaya sana harapin niya na lang para maging madali ang lahat para sa ating bansa,” dagdag pa niya.

Nahaharap si Roque sa mga kasong qualified human trafficking at regular human trafficking kaugnay ng ni-raid na POGO hub na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

(JULIET PACOT)

49

Related posts

Leave a Comment