DoT NAKIKIPAG-UGNAYAN SA MAYNILA PARA SA VENDORS

divi44

(NI BETH JULIAN)

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of  Tourism (DoT) sa tanggapan ni Manila Mayor Isko Moreno at sa Intramuros administration office para matulungan ang  mga vendor na apektado ng clearing operations sa lungsod.

Pabor sa DoT ang ginagawang paglilinis ni Manila Mayor Isko Moreno sa iba’t ibang lugar sa lungsod partikular sa ilang tourist destination sa lugar.

Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Tourism Assistant Secretary Roberto Albado na sadyang maraming turista ang namamasyal sa Divisoria, Intramuros at Quiapo.

Sinabi nito na ang Divisoria ang nagsisilbing shopping haven ng mga turista, local man o mga dayuhan.

Dito ay pinuri ng DoT ang ginagawang clearing operations ni Mayor Moreno na tiyak aniyang makapagpapabilis sa galaw ng mga turista.

Apektado naman sa  clearing operations ang mga vendor kaya hangad ng DoT na matulungan si Moreno na mahanapan ng maayos na lugar ang mga ito para hindi naman mawalan ng hanapbuhay kasabay ng pagsasaayos din ng mga lugar na pasyalan ng mga turista.

176

Related posts

Leave a Comment