Driver inatake sa puso, patay PILA SA SAP INARARO NG TRUCK, 9 SUGATAN

BULACAN – Siyam na SAP beneficiaries ang nasugatan, dalawa sa mga ito ang kritikal ang kalagayan, makaraang araruhin ng dump truck ang pila ng mga tatanggap ng cash aid nang atakehin sa puso at truck driver na ikinamatay nito habang binabagtas ang kalsada sa harap ng city hall sakop ng Brgy. Poblacion, San Jose del Monte City, sa lalawigang ito, nitong Martes ng umaga.

Base sa inisyal na report ni P/Major Julius Alvaro, SJDM City Police chief, lima sa nasugatan ay kinilalang sina Rolito Navarro, Mario Dela Rosa, Analyn Tomooc, Mary Rose Espacio at Cecilia De Ramo na pawang dinala sa pagamutan dahil sa mga sugat katawan. Dalawa sa mga ito ang nasa malubhang kalagayan.

Habang ang apat na iba pang mga biktima ay hindi na nagpadala sa ospital.

Kinilala naman ang inatake sa puso na si Herminio Verona, driver ng dump truck na pag-aari ng city hall.

Dinala ng ambulansya ang biktima sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Nabatid sa inisyal na report, bandang alas-7:40 ng umaga nang mangyari ang insidente habang nakapila ang mga biktima sa harap ng city hall ng SJDM City sa Barangay Poblacion.

Nawala umano sa kontrol ang dump truck nang atakehin sa puso si Varona kaya nasuro ang gitnang bahagi ng pila ng mga kukuha ng ayuda.

Nakumpirmang may history ng heart disease ang driver ng truck ngunit gusto pang maghanapbuhay para sa kanyang pamilya sa panahon ng pandemya. (GINA BORLONGAN)

133

Related posts

Leave a Comment