DRIVER SINAKSAK NG BODEGERO DAHIL SA TSISMIS

CAVITE – Sugatan ang isang driver nang pagsasaksakin ng kasamahan nito sa trabaho dahil sa tsismis sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng hapon.

Nilalapatan ng lunas sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si alyas “Odin”, driver ng Golden Noy Hardware sa Purok 4, Brgy. Langkaan 1, Dasmariñas City.

Arestado naman ang suspek na si alyas “Armando”, 21, isang bodegero ng nasabing hardware.

Ayon sa ulat, hinihinala ng suspek na ang biktima ang nagpapakalat ng umano’y tsismis hinggil sa kanya.

Nang magkita ang dalawa sa parking area ng hardware bandang alas-9:00 ng gabi ay walang sabi-sabing pinagsasaksak ng suspek ang biktima,

Agad naisugod sa pagamutan ang biktima na kasalukuyang nilalapatan ng lunas.

Isinumbong naman ng may-ari ng hardware sa pulisya ang insidente na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

32

Related posts

Leave a Comment