PINAHIHIMAY na mabuti o pinaba-validate ng Malakanyang ang pahayag ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na umano’y konektado sa ilegal na droga ang ilang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) transactions.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, reports pa lamang aniya ito na kailangang mapatunyan sa pamamagitan ng pagpipresenta ng mga ebidensya.
Mayroon aniyang mga ahensya ng pamahalaan na may mandatong ipatupad ang batas at kabilang sa kanilang tungkulin ang pagsasagawa ng validation.
kabilang aniya sa mga law enforcement agency na ito ang Bureau of Customs, Immigration, PNP at NBI.
Aniya, nararapat lamang na kumilos ang mga ahensyang ito laban sa mga ulat na may kaugnayan sa mga paglabag ng POGO operations sa bansa. CHRISTIAN DALE
