DRUG GROUP LEADER, 3 PA HULI SA BUY-BUST

QUEZON – Arestado ang lider umano ng isang drug group at tatlo nitong miyembro sa isinagawang buy-bust operation nitong Linggo ng umaga sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga arestado na sina Leo Tagle Armiendo, 36, lider ng Armiendo drug group; Jasmin Dagohoy Abueg, 38; Edwin Maestro Ablaza, 44, at Rizalde Abrasaldo Dagoho, 35-anyos.

Ayon sa ulat ng Quezon Police Provincial Director Col. Joel Villanueva, nagkasa ng anti-drug operation ang PDEU/PIU 4-A-Quezon at Pagbilao PNP SDEU kung saan umaktong poseur buyer ang isang pulis na bumili ng ilegal na droga kapalit ang halagang P500.

Nagresulta ito sa pagkakadakip sa mga suspek na nakumpiskahan ng apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Nakumpiska rin sa kanilang lugar ang lima pang sachet na may bigat na 8.66 gramo na tinatayang P176,664 ang street value.

Nasa pangangalaga na ng pulisya ang mga suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (CYRILL QUILO)

 

83

Related posts

Leave a Comment