“WE are always ready for a fight that never ends,” ani PNP-Zambales Provincial Director P/Col. Romano V. Cardiño matapos madakip ang isang drug personality sa ikinasang law enforcement operation sa Subic, Zambales.
Ayon kay Col. Cardiño, itinuturing na provincial most wanted person ang nadakip na si Farida Oles Asara ng Brgy. Calapacuan, sa bayan ng Subic, sa nasabing lalawigan.
Armado ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Roline M. Gines-Jabalde ng RTC Branch 74, 3rd Judicial Region, Olongapo City, dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), sinalakay ng PNP-Zambales Subic Municipal Police Station at Police Intelligence Unit-Zambales PPO, sa pamumuno ni P/Maj. San Juan Felmar D. Aquino, ang pinagtataguan ng suspek na nagresulta sa pagkakadakip kay Asara.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Subic MPS ang suspek para sa kaukulang documentation. (JESSE KABEL)
155
