DU30 IAANUNSYO NA ANG MANOK SA SPEAKERSHIP

duterte500

(NI BERNARD TAGUINOD)

IAANUNSIYO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang manok sa limang kongresista na naglalaban-laban sa Speakership na iboboto sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo 22.

Ito ang napag-alaman sa isang mapagkatiwalaang impormante sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gitna ng mga ulat na ayaw makialam si Duterte sa Speakership race dahil pawang malalapit sa kanya ang mga naglalaban-laban.

“In a few weeks, magsasalita na si PRRD (Duterte) tungkol diyan (sa kanyang manok sa Speakership race),” ayon sa impormante na hindi na nagbanggit ng kapalit ng impormasyong ito.

Sa ngayon ay may kanya-kanyag supporters ang mga mambabatas na naghahangad na pamunuan ng Kamara ang 18th Congress na kinabibilangan ni Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano, Marinduque Rep. Lord Alan Velasco at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.

Kabilang din sa mga nais maging pinakamataas na lider ng Kamara at ikaapat sa line of succession (Presidente, Vice President at Senate President at Speaker) sina Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Pawang mga malalapit kay Duterte ang mga nabanggit kung saan sina Velasco, Alvarez at Gonzales ay pawang mga miyembro ng PDP-Laban na pinamumunuan ni Duterte.

Miyembro naman ng Nationalista Party (NP) si Cayetano  na kamakailan ay nakuha na ang suporta ng National Unity Party (NUP)  habang si Romualdez ay pangulo naman ng Lakas-Christian Muslim Democract na sa unang bugso sa Speakership race ay nakakuha umano ng 126 signature of support sa mga nanalong kongesista na kalaunan ay naging153 na.

“Wala pa ring nakasisiguro kung sino ang susunod na Speaker dahil naghihintay pa rin sila (mga kongresista) kung sino ang mamanukin ni PRRD. Kapag sinabi ni PRRD na eto ang manok ko, susunod ang mga kongresista,” ayon pa sa impormante.

 

 

233

Related posts

Leave a Comment