Dugo umagos na sa 2022 elections LIDER NG MAYOR INAMBUS, PATAY

LAGUNA – Patay ang isang tumatayong campaign leader ng ilang politiko sa Laguna matapos tambangan ng hindi kilalang mga suspek sa Biñan City noong Sabado ng tanghali.

Kinilala ng Biñan City Police ang biktimang si Virgilio “Ver” Dimaranan, 63-anyos, residente ng South City Homes at dating city accountant ng Biñan LGU.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, tinambangan ang biktima pasado alas 12:00 ng tanghali pagkatapos nitong dumalo sa pagpupulong ng mga lider pulitika ni Incumbent Biñan City Mayor Arman Dimaguila.

Ngunit ayon sa pulisya, bukod sa pagiging campaign leader nito ng mga politiko, ito rin ang leader at financier ng Dimaranan crime group na nag-o-operate sa Biñan City

Nasa harap ang biktima ng Multi-Purpose Hall kung saan ginawa ang meeting nang ito ay pagbabarilin ng gunman na nakihalo sa mga dumalo sa meeting.

Agad nalagutan ng hininga ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan habang nakatakas ang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang motibo at kung sino ang suspek. (NILOU DEL CARMEN)

163

Related posts

Leave a Comment