Duterte kumambyo sa 3-6 months pangako DROGA ‘NEVER-ENDING’

PUMIYOK si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang problema sa ilegal na droga ay maituturing na “never-ending one” at kapag hindi naresolba ay maaaring malagay ang bansa sa kontrol ng narco-politicians.

“But if you want to see how it can destroy a country, just look at Mexico, [Sinaloa]. They are the ones who dictate who will run for governor in the local areas, who run for the mayor. It’s narco-politics,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Duterte sa isinagawang paglulunsad ng Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers na naglalayong magtatag ng malakas at matibay na collaborative partnership sa komunidad bilang suporta sa nagpapatuloy na kampanya laban sa kriminalidad at terorismo.

Ayon sa #RealNumbersPH data ng pamahalaan, “as of April 30” ngayong taon, nagsagawa ang drug law enforcement agencies ng 200,632 anti-illegal drug operations, na nagresulta naman ng pagkakaaresto sa 289,622 drug dependents habang 6,117 katao ang namatay simula noong Hulyo 1, 2016.

Nakumpiska rin ng mga operatiba ang P60 bilyong halaga ng illegal drugs, kabilang na ang ilang 7,748 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng P48.70 billion maliban pa sa pagwasak sa 784 drug dens at clandestine laboratories sa buong bansa. (CHRISTIAN DALE)

104

Related posts

Leave a Comment