PABOR ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa pagpapalawig o ekstensyon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Albay at Zamboanga City.
Subalit, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na depende pa rin kung aaprubahan ito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“Yes. Yesterday by the IATF,” ayon naman kay Department of the Interior and the Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya sa Laging Handa public briefing sa tanong kung inaprubahan ba ng IATF ang extension ng ECQ sa dalawang nasabing lugar.
“‘Yung rekomendasyon ng IATF para sa Albay at Zamboanga [City] ay ipinadala na sa Presidente para sa kanyang approval,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Nauna rito, nagpalabas ang pamahalaan ng revised list ng mga lugar na mananatili sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) mula May 1 hanggang 15.
Ang listahan ay kinabibilangan ng National Capital Region, Central Luzon maliban sa Aurora, CALABARZON, Pangasinan, Benguet, Baguio City, Iloilo at Cebu provinces, at mga lungsod sa Cebu at Davao. CHRISTIAN DALE
219
