HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Commission on Audit (COA) na bigyan ng “elbow room” o sapat na panahon ang pamahalaan para sumunod sa rekomendasyon nito sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ang pahayag na ito ng pangulo ay may kinalaman pa rin sa natuklasan ng COA na “deficiencies” sa paggamit ng Department of Health sa P67.32 billion para sa COVID-19 response.
“It is not easy really to comply. We know that we should comply, there is no problem about it. But can we have just enough elbow room?” ayon sa pangulo sa kanyang pangalawang Talk to the People, Huwebes ng gabi.
“Do not adopt the standards of the pre-pandemic days. We have a problem here,” dagdag na pahayag ng pangulo.
Noong nakaraang linggo, sinabi ni Pangulong Duterte na “bulls—t” na isipin na ang P67.3 billion na isinantabi para sa kampanya laban sa COVID-19 ay ninakaw.
Aniya, nang simulan ng COA na i-flag down ang departamento ay kagyat itong nabahiran ng korapsyon. (CHRISTIAN DALE)
134 