SARA VS BONG GO MALABO – CUSI

PARA kay PDP-Laban president at Energy Secretary Alfonso Cusi, hindi “ideal scenario” para sa dalawang kandidato mula sa Mindanao sa katauhan nina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Senador Christopher “Bong” Go, na maglaban sa iisang posisyon sa nalalapit na 2022 national elections.

Ang dalawa ay mayroong malapit na ugnayan kay Pangulong Duterte. si Mayor Sara ay anak ng pangulo habang si Go ay itinuturing na long-time aide ng Chief Executive.

“Dapat hindi mangyari ‘yun. That will not be an ideal scenario kung sila ang maglalaban. Unang-una, hindi po maganda na pareho silang taga-Mindanao, practically the same camp magkakalaban ng ganun. I don’t think that kind of scenario will happen,” ayon kay Cusi.

Aminado ito na nahihirapan silang gumawa ng desisyon na punan ng mga kandidato na isasabak sa 2022 elections.

Kamakailan, hinikayat ni Mayor Sara ang ama na si Pangulong Duterte at ang ang ruling party, PDP-Laban na maging accountable para sa kanilang political decisions para sa halalan sa susunod na taon.

Sinabi pa ni Mayor Sara na huwag siyang gawing “political punching bag” ng partido na ngayon ay nagkakagulo kung saan ang tinutukoy nito ay ang paksyon ni Cusi at Senador Manny Pacquiao, na isa ring potential presidential candidate.

Si Mayor Sara ay nabibilang sa regional party Hugpong ng Pagbabago. (CHRISTIAN DALE)

218

Related posts

Leave a Comment