ARJO DEDMA SA BASHERS

MARAMI ang na-touch sa Facebook post ni Sylvia Sanchez para sa anak na si Arjo Atayde habang nanunumpa bilang Congressman sa district 1 ng Quezon City.
Ang mensahe niya sa anak na isa nang ganap na Congressman:

“Ang saya-saya ng puso ng isang INA kapag nakita niya na nagtatagumpay ang anak niya sa larangang gusto niya.

“Isa ako sa pinakamasayang ina sa araw ng iyong panunumpa bilang congressman ng Distrito Uno ng lungsod ng Quezon City.

“At  sa araw na ito, anak, July 1, 2022, ikaw na ang official na nakaupo bilang congressman ng Distrito Uno. Walang mapagsidlan ang kagalakan ko sa tagumpay mo. Ipinaglaban mo ang gusto mo, ang laman ng puso`t isip mo at pinatunayan mong tama ka, Iba ka manindigan anak!!

“Habang pinapanood kita, tinatawanan ko na lang lahat ng pagod, hirap, pangungutya sa `yo at sa pamilya natin dahil bago ka daw at walang alam at artista lang at kung anu-ano pang masasakit na salitang ipinukol  sa`yo.

“Lahat  ng `yun, napawi  habang pinapanood kitang nanunumpa bilang bagong congressman ng Distrito Uno. Napaka-proud ko sa mga oras na yun, pero bilang isang ina habang pinapanood kita, pasensya na, anak, di ko inaalis na manumbalik sa isipan ko na ito ang batang kinutya, pinagtawanan, nilait at  hinusgahan pero wala akong nakita o narinig  na pambabastos mo sa mga taong bumabatikos sa`yo. Bagkus ang tanging sinabi mo lang sa akin, `Hayaan mo sila Mommy, wag tayo sumabay sa pambabastos nila, hindi tayo tulad nila. Basta ako `andito tumatakbo dahil gusto kong makatulong sa kapwa ko at mas makakatulong ako `pag  nasa pwesto ako, I  don’t want  to be a good politician, I want to be a Good Public Servant.”

“Sige  anak, abutin mo lahat  ng pangarap mo, gusto mong tumulong sa kapwa mo. gawin mo lahat  `yan. Ikalat mo sa Distrito Uno ang Respeto, Pagtitiwala, Pagmamahal. Pag-aalaga, Pagpapahalaga at magtanim  ka ng kabutihan  sa mga nasasakupan mo at  naway  gabayan  ka ng DIYOS.

“Dito lang kami lagi ni Daddy at ng mga kapatid mo na handang tumulong  at  aagapay  sa`yo.

“Mahalin mo anak at alagaan  mo ang mga bagong nagmamahal at nagmamahal pa sa`yo ang buong Distrito Uno.

“Kaka-proud!!! Congratulations, Congressman Juan Carlos Campo Atayde!

“LORD, pakialalayan  po anak  ko, ha?

“Nak, pahabol, sa bahay tatawagin pa rin kitang Arjo o Gwapo Ogag pero sa labas, tatawagin kita Cong `Nak`  Hahaha. Ok ba yun, my Congressman?

“Serve QCD1 well, anak.”

84

Related posts

Leave a Comment