BIG BERT NG VOLTES V UMIYAK TAPOS KANTAHIN ANG LIHAM

Sa launching ng latest single ni Matt Nolasco na Liham under GMA Records ay ikinuwento niya kung gaano kabilis niyang natapos i-compose ang kanta not like before na kapag nagsusulat siya ng bagong ire-record na kanta ay sobrang tagal bago matapos.

“This is the first time na sumulat ako ng kanta na mabilis kong natapos. Iba kapag personal experience mo ang nilalaman ng kanta. Nang matapos kaagad ko ipinakita sa manager ko at pumayag ang GMA Record na maging third single ko ang Liham.” pahayag ni Matt Nolasco.

Dahil dito ay lalo pa siyang na-inspire na mag-compose ng maraming kanta.

Ang latest single niyang LIham ay tungkol sa pagmo-move on kaya siguradong makare-relate ang mga taong dumaranas ng kabiguan sa pag-ibig. Umiyak siya matapos niyang kantahin ang Liham dahil dama niya ang nilalaman ng kanta.”Nang inire-record ko ang Liham ay naiyak ako pagkatapos ko kantahin,”say ni Matt. Kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon, gusto ni Matt gumawa ng song na kakantahin ni Alden Richards. Nag-iisip na siya ng song na babagay sa boses ng Pambansang Bae. Isa rin sa mga pangarap ni Matt ay maka-collab ang kasamahan niya sa VVL na si Crystal Paras. Hindi lang sa pagkanta lumilinya si Matt, maging sa pag-arte ay isinabak na rin siya ng GMA bilang isa sa Sparkle artist. Siya ang gumaganap na Big Bert Armstrong ng Voltes V: Legacy. Two weeks pa lang na umeere ang Voltes V: Legacy ay dama na ni Matt ang impact nito sa mga viewer. Kapag nasa labas nga raw siya ay Kuya Big Bert na ang tawag sa kanya ng mga bata. Tila nagmarka na ang character ni Matt sa Voltes V: Legacy.”Nakatuwa nga, Kuya Big Bert ang tawag sa akin ng mga bata. Salamat sa GMA sa pagtitiwala nila sa akin. Unti-unti nang natutupad ang pangarap ko na maging isang artista at bilang isa rin recording artist,”say pa ni Matt. (GERRY OCAMPO)

 

144

Related posts

Leave a Comment