P-POP GROUP XOXO HAHATAW NA RIN SA SINGAPORE

SABAY ng launching ng latest single ni Matt Nolasco na Liham ay ini-launch din ang bagong single ng P-Pop Girl group na XOXO na Go Lang nang Go under GMA Records.

Tulad ng single ni Matt ay third single na rin ng XOXO ang GLNG at ayon sa grupo para sa kanila ay nakaka-inspire kapag masayang awitin ang handog nila sa lahat.

Aminado ang P-Pop girl group XOXO na hindi sila magaling humataw sa sayawan, gaya ng ibang P-Pop girl group.

Bumabawi na lang sila sa paghataw sa pagkanta at pagpe-perform na mabibighani ka na mistulang foreign girl group.

Nagpasalamat din ang XOXO sa kanilang fans at supporters dahil kahit minamaliit sila noong nagsisimula ay humahataw pa rin sila sa pagkanta hanggang ngayon.

Inamin din ng P-Pop girl group na naapektuhan sila ng tatlong taon dahil sa Covid pandemic na naranasan ng buong mundo.

Ngayon ay hindi na lang pagkanta at nagpe-perform ang XOXO, lumalabas na rin sila sa mga serye ng GMA-7

Nakapag-guest na sila sa First Yaya at ngayon ay may exposure na rin sila sa Magandang Dilag na pinagbibidahan ni Hipon girl at sa sitcom na Open 24/7

Ang XOXO ay binubuo nina Muriel Lomadilla, Dani Ozaraga, Lyra Micolob at Mel Caluag,

Maaliw ka sa blending ng kanilang mga boses at hindi sila nagsasapawan sa tuwing nagpe-perform sa harap ng audience. Payo nga nila sa mga kabataan na nangangarap na huwag magpatalo sa kantiyaw ng iba. Basta ipagpatuloy ang pangarap at balang araw makakamit din ang tagumpay,

Tulad nila nangarap na maging singer ay hindi alintana ang kantiyaw ng iba na walang karapatan dahil hindi sila kasingganda ni Liza Soberano at kaseksihan ng mga magandang sexy actress.

Basta gawin mo kung ano ang gusto mong gawin at papalarin ka rin balang araw dahil may talent ka naman ipakikita at ipamamalas.

Samantala sa June makakasama na rin ang grupo nila na hahataw sa Singapore kasama ng ibang foreign girl group at iba pang P-Pop group. Dalangin ng XOXO na pagkatapos ng hataw nila sa Singapore ay ito na ang simula para sila makilala at makapag-perform na rin sa iba’t ibang bansa. (GERRY OCAMPO)

134

Related posts

Leave a Comment