RUFFA BIG FAN NI MADAM IMELDA

HULING pelikulang nagawa ni Ruffa Gutierrez ay isang Metro Manila Filmfest official entry na “The Mall, The Merrier” last 2019 at guest role lang siya rito.

Kaya nga ba nang ialok sa kanya ang role bilang dating first lady na si Madam Imelda Romualdez Marcos para sa movie na”Maid in Malacañang”ay agad-agd niya itong tinanggap kahit pa sabihin magdo-double time siya para mapag-aralan ang role.

Ilang linggo lang kasi ang kanilang magiging shooting days dahilan sa may playdate na ang biopic na “Maid in Malacañang” sa July 20. Isa sa nagbigay ng inspirasyon kay Ruffa para tanggapin ang alok bukod pa sa lead role at leading lady ni Cesar Montano na lumabas naman bilang yumaong dating presidente na si Ferdinand Edralin Marcos, Sr., ay aminado si Ruffa na big fan siya ni Madam Imelda noon pa man kabataan niya.

“I first met her when I was only 18 years old. She was celebrating her birthday then at the Manila Hotel and I attended. She was so elegant and glamorous so I quickly became a fan, kaya when the offer to play her came, I quickly accepted it. I can see she knows how to practise grace under pressure,” say ni Ruffa.

Bukod kina Cesar at Ruffa, kasama rin sa pelikula na dinirehe ni Darryl Yap, sina
Diego Loyzaga bilang young Bongbong Marcos, Cristine Reyes as Imee, Ella Cruz as Irene, Kyle Velino as Greggy Araneta and Kiko Estrada as Tommy Manotoc. 

Playing the maids who were then serving the Marcoses are Elizabeth Oropesa as Yaya Lucy, the meddlesome maid everyone is scared of; Karla Estrada as Yaya Santa, the family’s favorite yaya; and Beverly Salviejo as Yaya Biday, the Ilocano Yaya.

101

Related posts

Leave a Comment