EX-PARAK TODAS SA AMBUSH SA BATANGAS

BATANGAS – Patay ng isang dating pulis na nasibak sa serbisyo matapos na tambangan sa national highway sa Batangas City noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Archie Litan Aceveda, dating nakatalaga sa Batangas Provincial Police Office.

Batay sa report ng Batangas City Police, nagmamaneho ang biktima ng kotseng Honda nang harangin ng armadong kalalakihan na sakay ng isang hindi natukoy na sasakyan sa Barangay Balagtas bandang alas-11:00 ng gabi.

Hindi na binigyan pagkakataon ang biktima na makababa ng sasakyan at pinagbabaril na agaran nitong ikinamatay.

Ayon kay Batangas City Police chief, P/Lt. Col. Gerry Laylo, ang biktima na isa nang security aide ng isang pulitiko sa Batangas, ay na-dismiss sa pagka-pulis ilang taon na ang nakararaan dahil sa iba’t ibang kaso na kinabibilangan ng murder.

Inaalam pa ng mga imbestigador ng Batangas City Police ang motibo at kung sino ang mga suspek sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)

229

Related posts

Leave a Comment