81 PARAK SA N. COTABATO NADALE NG COVID-19

KIDAPAWAN CITY – Umabot sa 81 mga kasapi ng Cotabato Police Provincial Office ang nagpositibo sa COVID-19, iniulat nitong Martes.

Ayon kay Cotabato Provincial Police Office Deputy Provincial Director P/Lt. Col. Bernard Tayong, ang pagiging frontliner at pagsisilbi sa publiko ang nakikitang dahilan kung bakit may mga pulis na tinamaan din ng COVID-19.

Ayon kay P/Lt. Col. Tayong, sa pinakahuling datos na ipinalabas ng IPHO, 81 na ang nagpositibo sa virus sa hanay ng pulisya sa probinsya.

Sa kasalukuyan, nasa 29 na lamang ang aktibong kaso o patuloy pang nagpapagaling at nabatid na ang M’lang Municipal Station ang nakapagtala ng maraming kaso.

Samantala, sinabi ni Tayong na bagama’t may iilan nang nagpositibo sa kanilang hanay patuloy silang maglilingkod at tuloy pa rin ang serbisyo kahit buhay nila ang nakataya. (BONG PAULO)

153

Related posts

Leave a Comment