FACE MASK GAWIN NANG OBLIGASYON

PRO HAC VICE NI BERT MOZO

NANINIWALA ang isang ­eksperto na tanggap na ng maraming Pilipino ang pagsusuot ng face mask para maproteksyunan ang kani-kanilang sarili laban sa iba’t ibang mga sakit.

Ito’y sa gitna na rin ng panukala ng pagluluwag sa mandatory na pagsusuot ng face mask sa open spaces o mga lugar na may mataas na bentilasyon.

Paliwanag ni Dr. Nina Gloriani, vaccine expert ng DOH, wala naman siyang nakikitang problema sa pag-normalize mula sa pandemya subalit dapat aniya magkaroon ng mga pamantayan o indicators bago payagang magluwag o ipatupad ang naturang panukala.

Kabilang na aniya rito ang pag-abot sa target na maturukan ng booster shots ang kalahati ng populasyon ng mga Pilipino.

Iginiit ni Gloriani, mataas man o mababa ang vaccine rate sa bansa ay gawin nang “way of life” ng mga Pinoy ang paggamit ng face mask sa matataong mga lugar.

Samantala, aasahan na rin na magpapalabas ng bagong reformulated COVID-19 vaccine ang manufacturers sa mga susunod na linggo, ayon sa ­eksperto.

Ito’y makaraang aprubahan ng US-FOOD AND DRUG ADMINISTRATION o FDA ang bagong henerasyon ng bakuna subalit hindi pa aniya aktuwal na nagpapalabas nito ang Estados Unidos.

Aniya, sakaling mag-apply rito ang MANUFACTURER para sa emergency use authorization ng naturang bagong ­henerasyon ng bakuna ay daraan pa rin ito sa pag-aaral ng Food and Drugs Administration upang matiyak ang kaligtasan at bisa nito.

Kaugnay nito, nakapagtala naman nitong nakalipas na mga araw ng 467 na karagdagang kaso ng OMICRON SUBVARIANTS sa Pilipinas ang DEPARTMENT OF HEALTH o DOH.

Ito’y base na rin sa pinakabagong SEQUENCING RESULT na inilabas ng DOH mula September 5 hanggang 7 kung saan 425 na kaso ng BA.5 OMICRON SUBVARIANT ang nadiskubre.

Batay sa Datos ng DOH, may sampung bagong kaso ng BA.4 habang ang isang indibidwal naman ay nahawaan ng BA.2.75 VARIANT.

Binanggit din ng DOH na hindi bababa sa anim na kaso mula sa “OTHER SUBLINEAGES” ang natukoy rin ng ahensya. Kaya nga mga Ka-Saksi, ituloy lamang ang pagsusuot ng face mask hanggat nand’yan pa rin ang nakamamatay na sakit para po sa kaligtasan ng lahat ng mga Pilipino, bagama’t ­pinirmahan na rin ni ­Pangulong Ferdinand “Bongbong” ­Marcos, Jr. ang batas para sa bulontaryong pagsusuot ng face mask sa mga open space area.

169

Related posts

Leave a Comment