FC FUNDS MAS MAINAM SA MAHIHIRAP MAPUNTA KAYSA SA MGA TIWALI – TULFO

TAMA lang ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilipat ang P36 bilyong pondo mula flood control project ng DPWH patungo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga naghihirap na mamamayan.

Ayon kay Sen. Erwin Tulfo, chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development, mas makabubuti na sa mahihirap mapunta ang pera kaysa bulsa ng mga tiwaling opisyal, kontraktor at politiko.

“Instead nga naman na mapunta lang sa bulsa ng mga DPWH officials, contractors at politiko, mas mainam na mapunta na lang sa mga mahihirap ang pondong ito,” giit ni Tulfo sa panayam nitong Sabado.

Dagdag pa niya, “Kasi pag-DSWD ang pondo, diretso sa mga tao. Hindi na nahahawakan ng mga politiko o opisyal o kontraktor ang pera.”

Plano ni Marcos na gamitin ng DSWD ang naturang pondo para sa Assistance for Individuals in Crisis Situation (AICS) at sa Sustainable Livelihood Program (SLP).

Ang AICS ay ayuda para sa mahihirap na nangangailangan ng tulong sa gamot, ospital, libing, pamasahe at iba pang emergency needs.

Habang ang SLP naman ay nagbibigay ng P15,000 livelihood package sa mga komunidad para makapagsimula ng maliit na negosyo.

“I believe kung maraming mabibigyan na walang hanapbuhay ng SLP ng DSWD, malaking maitutulong sa ekonomiya natin thru this small business enterprise,” paliwanag pa ng senador.

“I think money well spent ‘yan kung maraming mabibigyan ng livelihood ang DSWD,” dagdag pa niya.

59

Related posts

Leave a Comment