FIESTA NG TATLONG HARING MAGO AT HAPPY BIRTHDAY MEGASTAR SHARON CUNETA

oleaBlockbuster! Dumagsa ang mga deboto ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran Church noong Enero 1, unang Miyerkules ng bagong taon. Ganoon din ang mga deboto ng Poong Nazareno noong Enero 3, unang Biyernes ng 2020.

Susmaryosep! La Ocean Deep na ang Netflix film na The First Temptation of Christ, kung saan babading-bading si J at ang mommie dearest niyang si Mary ay nag-e-MJ.

Satire iyon. Katatawanan.

Ang bagong pinag-uusapan ay ang Netflix series na Messiah, isang mystery thriller na seryoso ang pagkakalahad. May pasubali ang Netflix na ito ay isang “fictional story not based on true events.”

Ang season 1 (10 episodes) nito ay nagsimula ang streaming noong Enero 1.

Ngayong Enero 6 ang tradisyonal na fiesta ng Tatlong Haring Mago. Today rin ang ika-54 na kaarawan ng ating Megastar na si Sharon Cuneta.

MORENONG AKTOR KAHIT MAY KAEDARAN NA GAME PA SA BAKLUSH

Produkto ng timpalak ang isang morenong aktor na naghubad sa marami-raming pelikula. Malambing at mapagbigay siya sa mga bading, at noon pa man ay wala siyang kyeme sa pagpapahada.

Nag-hosto siya sa Japan, kung saan bongga ang diskarte niya. Masinop siya, kaya nailagay niya sa ayos ang kanyang pamilya.

Ang nakababata niyang sister, gusto ring mag-Japan. Nagtanung-tanong siya sa mayayamang bading kung sino ang pwedeng mag-sponsor dito.

Paliwanag ng isang gay benefactor, “Mahirap ilapit sa mga bading na sponsor ang sister mo. Babae iyan. Kung ikaw pa, kahit may edad ka na, marami pang bading na willing mag-sponsor. Alam mo naman ang kapalit.”

Sabi ng morenong aktor, “Sige na, tito. OK lang kahit ako ang kapalit basta matulungan ang sister ko.”

WEDDING BELLS WILL BE TOLLING ON MARCH

Magpapakasal na ba sa Marso ang sikat na singer-actress?

Love na love ang singer-actress ng pamilya ng kanyang fiance. Sabi-sabi, handa ang singer-actress na iwan ang kanyang career at manirahan sa Kabisayaan, alang-alang sa lalaking kanyang pinakaiibig.

Abangan natin kung may mahalagang announcement ang singer-actress sa Buwan ng mga Puso! (PROOOF / Jerry Olea)

298

Related posts

Leave a Comment