FISH AIRCRAFT CARGO NAG-EMERGENCY LANDING SA DAMUHAN

NAG-EMERGENCY landing ang isang fish aircraft cargo sa damuhang bahagi ng runway ng Sangley airport matapos magkaroon ng problema ang landing gear nito.

Ayon sa report ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang eroplano na isang ATR aircraft BE58 at may registry number R-PC 5916, ay patungo sanang Cuyo, Palawan para magkarga ng mga isda.

Matapos mag-take off, napansin ng pilotong si Captain Jesse Bihasa at co-pilot na si James Patrick Bala na may problema ang right landing gear ng eroplano kaya’t nagpasya ang mga ito na bumalik na lamang sa Sangley airport.

Ligtas naman silang nakalapag sa madamong bahagi ng airport.

Patuloy ang imbestigasyon ng CAAP sa insidente. (FROILAN MORALLOS)

195

Related posts

Leave a Comment