FOOD SECURITY, NUTRISYON, KITA SA VILLAR SIPAG HOME GARDENING PROGRAM

ANG Villar Social Institute for Poverty Alleviation & Governance (Villar Sipag) ay isang non-stock, non-profit organization na itinatag noong 1995. Layunin nito na suportahan ang mga proyektong makatutulong sa mga kapus-palad na makaahon sa kahirapan.

Kaakibat nito ang “SIPAG” o mahirap na trabaho at tiyaga na pangunahing katangian ng Villar family bilang pagkilala sa kanila at sa ibang tao.

Nagtatrabaho din ang Foundation para sa proteksyon ng kapaligiran, tulong sa overseas Filipino Workers (OFWs), entrepreneurship, livelihood generation at job creation.

Kabilang din sa mga programa nito ang tree planting, development ng kultura at arts, health social services, entrepreneurship at poverty-reduction projects.

Ang Programa

Bago pa man ang coronavirus pandemic kung kailan nagkaroon ng mas maraming oras ang mga tao para manatili sa kanilang mga tahanan, pinangungunahan ni Senator Cynthia A. Villar ang kampanya sa vegetable gardening, pamumudmod ng buto at organic fertilizers sa buong bansa. Sa pamamagitan nf Villar SIpag, hinihimok niya ang mga tao na magtanim ng sarili nilang pagkain.

Nangunguna ang senador, chairperson of the Senate Committee on Agriculture and Food, sa pagsusulong sa gardening at composting – ginagawang organic fertilizers ang kitchen at garden wastes.

“I’ve always advocated home gardening as a strategy for food security and for the alleviation of nutrient deficiency. It is a big help for families to have direct access to healthier food and fresh vegetables. They don’t have to buy them in the market. They can even earn from it” ayon kay Villar.

Bukod sa buto, namimigay din ng libreng organic fertilizer and senadora na produkto ng composting ng kitchen at garden wastes.

Ang Villar Sipag ay may 108 composting facilities, 68 sa Las Piñas at Bacoor at 50 sa Vistaland communities sa buong Pilipinas.

Beneficiaries

Ipinamimigay din ang binhi o buto, compost ang brochures tungkol sa home gardening sa mga LGUs, congressional districts, private individuals, homeowners’ associations at organizations, private at public schools at mga magsasaka sa pamamagitan ng mga kooperatiba at asosasyon.

Ang mga sumusunod na siyudad at lalawigan sa bawat rehiyon ang tumanggap ng seed packs mula sa Villar Sipag: National Capital Region (Las Piñas, Pasig, Pasay, Muntinlupa, Marikina, Quezon City, San Juan, Manila, Parañaque and Taguig), Region I (Pangasinan, La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur), Region II (Nueva Vizcaya, Isabela and Quirino),

Region III (Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales and Bataan), Region IV-A (Cavite, Batangas, Rizal, Quezon), Region IV- B (Palawan, Marinduque Oriental Mindoro and Occidental Mindoro), Region V (Albay, Masbate, Cam Sur and Catanduanes), Region VI Western Visayas (Iloilo, Guimaras, Antique, Aklan, Negros Occidental and Capiz),

Region VII Central Visayas (Negros Oriental, Bohol, Cebu, Siquijor), Region VIII Eastern Visayas (Biliran, Southern Leyte, Leyte, Eastern Samar and Samar), Region IX (Zamboanga City, Zamboanga del Norte, Zamboanga Del Sur),Region X (Misamis Oriental, Misamis Occidental, Bukidnon, Lanao Del Norte), Region XI (Davao Del Sur, Davao Oriental,

Davao De Oro, Davao Del Norte, Davao City),Region XII (Sarangani,North Cotabato, South Cotabato) Region XIII ( Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Surigao Del Sur, Surigao Del Norte, and lastly, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (Maguindanao). Noong July 2021, umabot na sa 31,207 ang naipamahaging seed packs a buing kapuluan.

Nagbigay ang Villar SIPAG ng vegetables seed packets at compost sa mga sumusunod:

35 Congressional Districts
33 Provinces
304 Cities at Municipalities
53 Cooperative at Farmers Associations
29 Schools
50 Non-Government Organizations
3,795 Individuals

Meron ding farm schools ang Villar SIPAG na itinayo para sa libreng training sa agri crops production, rice farming, native animal production at aquaculture.

Mahigit 2000 graduate-trainees kada taon ang nagtapos sa dalawang farm schools noong 2020.
Nahinto ang operation nito noong March 2020 dahil sa quarantine restrictions subalit noong October 2020, muling nagbukas ang Villar SIPAG Farm School sa Las

Pinas-Bacoor at San Jose del Monte City. Nag- resume sila ng training programs sa agri crops production sa pamumuno ng East West Seeds Foundation.

Hindi naging hadlang ang quarantine restrictions sa Villar Sipag para magbigay ng kaalaman at pagsasanay sa Filipino farmers. Nagdagdag pa ng dalawang farm schools.

Dahil sa umiiral na health protocols, pinaikli nila ang session sa apat na ‘full days a week’ na may 25 participants basat batch. Kailangang sumailalim sa COVID testing ang mga kalahok kasabay ng pag-obserba sa social distancing, hand washing, foot bath, pagsusuot ng mask at face shield.

Sa pagbibigay ng vegetable seeds at pagtuturo sa pagsasaka, nagsimulang magsaka ang mga nawalan ng trabaho at pera na pambili ng pagkain.
Tumanggap din ang mga pamilyang ito ng food packages mula sa organizations.

“Home gardening is essential because of its contribution to food security and self-provision – a buffer against high food prices. Villar Sipag continues to promote

urban and home gardens because they believe that by teaching the people how to grow their own food, they will have easy access to healthy and nutritious food,” sabi pa ni Villar.

Resulta

“The outcome of Villar Sipag actions ultimately unfold when lockdown restrictions in the Philippines continue even to this day. In less than a few months since May 2020, the people who received the vegetable seeds were able to grow their own food.

Bukod sa nabawasan ang kanilang gastos sa pagkain, nagkaroon din sila ng malusog na pagkain..

Dahil sa Villar Sipag farm schools, nadagdagan din ang kit ang mga magsasaka. Nagamit ng Trainees ang kaalaman sa kanilang sariling mga bukid. Naibahagi ng mga nagsanay sa Villlar Sipag ang kaalaman sa kanilang komunidad. Nakatulong sila sa food security ng bansa sa panahon ng pandemya at nakapag ambag sa pagsusulong ng sektor ng agrikultura.

“Maraming salamat po Senator Villar sa iyong programa.Ito ay sagot lalo na ngayong panahon ng pandemya. Malaking tulong upang maging malusog at masigla ang pamayanan, lalo na sa mahihirap nating kababayan sa bayan ng Hinoba-an,” sabi ni Mayor Ernesto A. Estrao of Hinoba-an, Negros Occidental bilang pagkilala sa pagsisikap na ito ng senador. (ESTONG REYES)

322

Related posts

Leave a Comment