FOUL PLAY SINISILIP SA JONSON CASE

HINDI pa maaaring ituring na closed case ang pagkamatay ng sikat na visual artist na si Bree Jonson, kasabay ng pagsisiwalat ni Philippine National Police (PNP) chief Guillermo Eleazar na patuloy pa rin nilang tinitignan ang anggulong foul play.

Pag-amin ni Eleazar, partikular nilang iniimbestigahan ang initial findings kung saan lumalabas na “Asphyxia” ang ikinamatay ng dalaga base sa autopsy.

Aniya, hinihintay pa nila ang resulta ng histopathological examination o pagsusuri sa tissue ni Jonson na ayon kay Eleazar ay posibleng abutin ng isa pang linggo bago lumabas.

Paliwanag niya, pataas ang markings na nakita sa leeg ni Bree at walang indikasyon na nanlaban ito para sa kanyang buhay. Gayunpaman, hindi pa rin nila isinasantabi ang anggulo ng foul play.
Bukod sa mga testimonya ng mga empleyado ng hotel sa La Union kung saan nanuluyan sina Jonson at Julian Ongpin, natanggap na rin nila aniya ang kopya ng CCTV footage mula sa nangangasiwa ng nasabing bahay panuluyan. Si Ongpin, anak ng bilyonaryong si Roberto Ongpin.

Patuloy sa pangangalap ng ebidensya ang binuong Special Investigation Task Group (SITG) para tutukan ang kontrobersyal na kaso. (JESSE KABEL)

181

Related posts

Leave a Comment