GASOLINA TAAS-PRESYO NA NAMAN

oil

(NI DAHLIA S. ANIN)

BUBUNGAD na naman sa mga motorista pagkatapos ng mahabang bakasyon ang bagong dagdag-presyo sa gasolina.

Halos sabay na inianunsyo ng Petro Gazz at Pilipinas Shell Petroleum Corp ang pagtaas ng P0.10 sa bawat litro ng gasolina habang mananatili naman sa dating presyo ang diesel at kerosene.

Magsisimula ang dagdag-presyo sa Abril 23, ng ala 6 ng umaga. Hindi pa nagbibigay ng anunsiyo ang ibang kumpanya ng langis.

Ayon sa pinakabagong tala ng Department of Energy (DoE), ang presyo ng gasolina ay nasa P52.40 hanggang P58.51 kada litro. Ang diesel naman ay P41.94hanggang P49.70 kada litro habang P45.49-P55.70 ang presyo ng kerosene.

247

Related posts

Leave a Comment