DAGDAG-PRESYO MATAPOS ANG KAKARAMPOT NA ROLLBACK

oil price hike

(NI ROSE PULGAR)

NITONG nakaraang Martes ay kakarampot lamang ang ipinatupad na rollback, sa susunod na linggo ay mayroon na namang inaasahan taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Sa pagtaya ng Jetti Petroleum batay sa naging trading mula Lunes hanggang Huwebes, nasa P0.25 kada litro ang itataas ng presyo ng gasoline habang sa diesel naman ay posibleng madagdagan din ng P0.15 kada litro.

Wala naman inihayag kung may pagtaas sa presyo ng kerosene.

Ang pinal na presyo ng itataas ng petrolyo ay depende sa naging resulta ng trading kahapon

Posibleng ngayong araw o sa Lunes ay ianunsyo na ng mga kumpanya ng langis sa bansa ang halaga ng taas-presyo.

Ang oil price adjustments ay kadalasang ipinatutupad araw ng Martes.

119

Related posts

Leave a Comment