LAGAY NG EKONOMIYA NG PINAS ISASAPUBLIKO

world bank12

(NI MAC CABREROS)

NAKATAKDANG  isapubliko ng World Bank ang kanilang talaan o ranking ng mga bansa pagdating sa economic growth ng mga ito.

Malalaman ngayong Lunes kay Gabriel Demombynes, program leader for human development  ng World Bank para sa bansang Brunei, Thailand, Malaysia at Philippines, kung umangat o nalugmok ang lagay ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon.

Kasama ni Demombynes si Rong Qian, senior economist ng World Bank, ang pagsasapubliko sa April 2019 edition ng economic outlook ng Pilipinas.

Ilalahad nina Demombynes at Qian ang kanilang pagtaya sa katatagan ng kalakalan gayundin ang kasiguraduhan ng pagpapasok ng foreign investors ng negosyo sa Pilipinas.

Tinignan at isasapubliko rin ng World Bank ang paggastos ng gobyerno sa human capital lalo pagdating sa edukasyon, kalusugan, kakayahan o kapasidad ng mamamayan.

Naunang inilista ng World Bank sa 6.6 porsyento ang economic growth ng Pilipinas ngayong taon na mas mataas sa 6.5 porsyento noong nakaraang taon.

Nakita rin ng World Bank noong nakaraang taon na patuloy na mahaharap sa matinding risk ang ekonomiya ng Pilipinas tulad ng magalaw na pandaigdigang kalakalan at internal pressures gaya ng inflation.

Samantala, inasahan ng economic managers ng Pilipinas na hihigpit ang inflation ngayong Abril dahil sa matinding masamang epekto ng El Nino lalo sa supply ng produktong agrikultura kung saan aabot sa bilyon ang halaga ng pinsala gayundin ang posibleng pagtaas sa singil ng kuryente bunsod ng paghina sa produksyon ng kuryente ng mga hydro-power plant  bunga ng tagtuyot.

311

Related posts

Leave a Comment