PALASYO ‘DI NATINAG SA PAGTAAS NG INFLATION RATE

inflation21

(NI BETH JULIAN)

HINDI natinag ang Malacanang sa naitalang bahagyang pagtaas ng inflation rate nitong buwan ng Mayo.

Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 3.2 percent inflation rate, mas mataas kumpara sa 3 percent noong Abril.

Sinabi ni Presidential spokesperson  Salvador Panelo, pasok pa rin naman ito sa inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na 2.8 hanggang 3.6 percent na inflation rate.

Katwiran ni Panelo, hindi naman kontrolado ng Palasyo ang mataas na paggastos sa pagkain at mga inuming alak gayundin ang galawan ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Sinabi ni Panelo na itinuturong dahilan ng econmic managers sa pagtaas ng inflation rate ang pagtaas ng presyo sa pang agrikulturang pagkain tulad ng gulay, isda, prutas at pagtaas ng housing rental, tubig at iba pang utilities.

Nakaapekto rin umano sa inflation ang presyo ng isda at gulay na nagsitaasan din dahil sa nararanasang El Nino Phenomenon.

Umaasa naman ang Malacanang na bababa ang inflation rate sa sandaling maramdaman na ang rice liberalization.

 

163

Related posts

Leave a Comment